A TALE OF TWO SEPTEMBERS

It’s been a year.

Isang taon na halos ang nakaraan nung naganap yung mga sunod sunod na eksena na yun. Para kang nasa pelikula… Parang may taping ng “MMK” at lahat puro halos dramatic scenes. Madugo. Nakaka frustrate. Nakakaiyak.

SEQ 1: SA OPISINA.

Ang eksena, mag reresign na ako mula sa pagiging segment producer at writer ng isang Tv show na halos 8 year kong pinasukan. Wala na ayaw ko na. Hindi na ako masaya pagkat hindi ko na nakikita yung sarili ko sa ginagawa ko o hindi ko na nakikita sarili ko na ginagawa ko yun sa future.

SEQ. 2: SA BAHAY

Ang eksena, nalaman ko na nagkatikiman si Boyfriend at ang isa sa mga tinuturing ko na “malapit na kaibigan”. Sa sobrang lapit nya pati jowa ko tinalo.

SEQ. 3: SA BANKO

Yung pinundar ko para sa negosyo ko para akong pinilayan dahil sa sunod sunod na bayarin. Para akong ninakawan ng BIR. Para akong tanga naniwala sa ganun ka ambisyosong negosyo na hindi naman pala magkakaroon ng saysay.

Lahat ng iyan nangyari sa loob lamang ng buwang yon. Yung pakiramdam na emotionally, physically, mentally pati financially drained ka… sobra diba?

Naalala ko nung nagkita kami ng editor ko na si JV. Ang sabi nya sa akin, “Cleansing” daw ang tawag doon. Nililinis ni Lord lahat ng mga mali sa buhay mo para mabago ka at malinis kang muli.

Maaring tama yung sinabi nya.

At ngayon, OO totoo. Hindi ko inakala na sa loob ng isang taon, bumaligtad lahat ng mga bagay bagay sa paligid ko.

Nung emotionally, physically, mentally pati financially drained ako, una kong binalikan yung church ko sa Ortigas. Yung VCF. Doon mag isa ako nanalangin kay Lord. Sabi ko, “Lord ikaw nalang po bahala… Hindi ko na alam ang gagawin. Kayo na lang dahil kung ako pa po mag iisip baka magpakamatay nalang ako.”

Hindi ko inakala na sa kabila ng pagiging emotionally, physically, mentally at financially drained… Spiritually thirsty din pala ako.

Spiritually thirsty. Uhaw na uhaw.

Hanggang sa unti unti akong nasadlak sa depression. Ang sakit sakit ng loob ko nung mga panahon na yun. Kung baga sa sakit, naglabasan lahat ng simptomas o symptoms.

Sa maniwala ka o sa hindi, hindi ko to kinukwento para magyabang sa inyo kung ano na ako ngayon. Dahil hanggang ngayon, wala pa rin ako. Ang maari ko lang ipagyabang dito ay kung ano ang ginawa sa akin ni Lord nung nagsimula akong magtiwala at maniwala sa WILL nya para sa akin.

Kung nasusubaybayan nyo ang mga paminsan minsan kong status updates tungkol sa buhay ko sa FB, ma ge gets nyo yung sinasabi ko.

Hindi ko na isusulat dito yung kaibahan ng September noong 2012 sa September ngayon.

Image

Welcome sa aking first public blog!

Advertisements
Standard