HOW TO CELEBRATE APRIL FOOLS DAY

Okay at ako’y nagbabalik. Inaalikabok ata tong blog at mukhang napabayaan na naman. Kaya eto mga kapatid, habang may konting masustansiyang dugo na dumadanak ngayon ay magsusulat ako ng konti. Hello sa mga readers!

Sa mga nagtatanong bakit nga ba may April Fools Day, well hindi ko rin alam, at kung malalaman ko, gaya nyo rin, syempre sa Wikipedia ko yan babasahin (at eto nag search nga ako) oh ayun daw ang sabi nga raw sa website ng wiki ay isa itong tradisyon na nagsimula sa Roma at sa Espanya (ang lapit lang pala) kung saan (check nyo nalang sa Wiki hindi naman ito ang topic ko okay haha)

Para maging makabuluhan ang pagbabasa, simulan na natin.

Noong una, wala lang ang April Fools Day sa akin, pero dahil sayang naman kung puro pang eechoz o chika ang mababasa mo sa Facebook, tulad ng pagpapalit ng relationship status o iba pang life changing na pangyayari sa buhay na hindi naman, might as well lagyan mo ng meaning (oh naks meaning daw!)

Isipin mo ang mga taong kinalokohan mo sa buong taon. Isama mo na rin last year, sabay reality check.   – Imagine, nagpaka-ewan ka sa isang taong alam mo namang walang magyayari sa inyo? Oh diba Foolish heart lang ang peg! Maganda itong starter kasi ma-rerealize mo yung pattern kung paano ka niloloko o sinasamantala ng mga tao. So by next time, alam mo na. Ingat Ingat din! 🙂

Kamustahin mo yung mga umutang sayo na hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad. – at i try mo ngayon na sabihin sa kanila na kaya ka tumawag/nag text ka para sabihing hindi mo na kailangan ang pera nila at nais mo silang imbitahan sa isang dinner anytime soon.

At pag nagkita kayo bigwasan mo, este biglain mo. LOL

Magnilay nilay sa mga kalokohang ginawa mo sa buong taon. – at kung sa tingin mong quota kana, wag ka ng gumawa ng kalokohan today.

Mahiya din pag may chance.

Isa isahin mo sa Timeline mo sa Facebook, Twitter at Instagram yung mga “April Fools day” ang mantra ng posts araw araw sabay pindot ng Hide. – eto yung mga ANNOYING NA TAO na walang ginawa kundi magpapansin, magpaandar, magpaa-angat ng bonggang bongga ng kanilang mga chorva sa buhay–yan at gawan mo ng paraan kung paano mo sila ma-i hi-hide lahat ng hindi nila nalalaman.

At pang huli, Mag plano kung paano mas makakaiwas sa panloloko. –  eto yung pinaka importanteng part lalo na sa panahon ngayon na parang hindi naman na kailangan pa ng araw para i celebrate ang April fools day dahil sa gobyerno palang natin ay isa nang malaking “Joke” diba? So para sa sarili na lang, maging mas maingat sa lahat ng bagay, sa pakikipag usap sa mga tao, sa pagtitiwala, sa mga relasyon sa lahat.

 

533459_10150853092772927_1806655525_n

Panahon din para maka-pag move on kana sa mga taong nanloko sayo.

Oh ayan na ha. Happy April fools!

 

 

Standard